Sabi nila na kapag marami kang pinagdaanan, magiging matatag at magaling ka. Alam mo na kasi ang pasikot-sikot. At sa bandang huli mapagtatagumpayan mo ang kahit anong pagsubok. At kung maulit man ang mga ito may paghuhugutan ka.
Nanatili pa rin ang mashed potato sa taas. Kabilang ang iba pang side dishes tulad ng corn and carrots, coleslaw at salads. Marahil dahil sa mahabang proseso na kanyang pinagdaanan.
Bagamat simple, hindi biro para sa isang patatas na pakuluan, balatan at durugin. Walang ganda.
Kung hindi tama ang pagkakaluto, magkakaroon ng buo-buo. Kahit na anong durog ang gawin sa kanya. Nakakalungkot.
Sa mas pang maramihan, ang mashed potato na tulad sa mga fast food chain ay instant. “Just add water”. Malamang tulad ng flour, ginawang pulbos ang mga patatas. (kung hindi ito totoo o purong mga patatas, hindi ko alam kung anong sangkap pa ang isinasama nila para maging lasang patatas ito.)
Ito ang kahahantungan ng ibang mga patatas. Ang pagkakaiba lang may karamay sila. Ang gravy. Buddy-buddy. Parang hindi sila complete kung wala ang isa. Best friends.
Siguro iyon ang fulfillment. Na kahit mapakulan sa mainit na tubig, mabalatan at madurog, ok lang dahil alam niya may makakasama siya. Yun ang maganda.
No comments:
Post a Comment