Saturday, September 10, 2011

bag of potato chips #1

mashed



Sabi nila na kapag marami kang pinagdaanan, magiging matatag at magaling ka. Alam mo na kasi ang pasikot-sikot. At sa bandang huli mapagtatagumpayan mo ang kahit anong pagsubok. At kung maulit man ang mga ito may paghuhugutan ka. 

Nanatili pa rin ang mashed potato sa taas. Kabilang ang iba pang side dishes tulad ng corn and carrots, coleslaw at salads. Marahil dahil sa mahabang proseso na kanyang pinagdaanan. 

Bagamat simple, hindi biro para sa isang patatas na pakuluan, balatan at durugin. Walang ganda.

Kung hindi tama ang pagkakaluto, magkakaroon ng buo-buo. Kahit na anong durog ang gawin sa kanya. Nakakalungkot.

Sa mas pang maramihan, ang mashed potato na tulad sa mga fast food chain ay instant. “Just add water”. Malamang tulad ng flour, ginawang pulbos ang mga patatas. (kung hindi ito totoo o purong mga patatas, hindi ko alam kung anong sangkap pa ang isinasama nila para maging lasang patatas ito.)

Ito ang kahahantungan ng ibang mga patatas. Ang pagkakaiba lang may karamay sila. Ang gravy. Buddy-buddy. Parang hindi sila complete kung wala ang isa. Best friends.

Siguro iyon ang fulfillment. Na kahit mapakulan sa mainit na tubig, mabalatan at madurog, ok lang dahil alam niya may makakasama siya. Yun ang maganda.


Thursday, September 8, 2011

plain and no cheese please

bumagsak ang career ng patatas bilang french fries.

magka-contemporary pa sila noon ng nachos, popcorn, at tacos. naging bongga ang love team nilang dalawa ng burger o hotdog sandwich (na paminsan-minsan pa ring nagkakatambal). tapos ay bigla na lang siyang napabilang sa level ng street foods kasama ng fishball, squidball, cheesesticks, kwek-kwek at siomai.

nagpaka-"MASA" siya. naging versatile. open for a new world. dahil hindi na lang siya dressed with salt. madami na din siyang options tulad ng popcorn. may cheese, barbeque at sour cream.

kung mapapansin mo ibang uri ng patatas (kinds of potatoes) ang ginagamit sa french fries. maputi di tulad ng nabibili sa palengke. kaya hindi mo ma-achieve ang tulad ng nasa mga fast food chains.

pero ganun pa din. patatas din yun. di ko lang alam kung totoo na ang chismis na ang isang sikat na fast food chain ay synthetic na ang french fries nila na aabutin ng ilang araw ng hindi nabubulok. parang styro.(don't decompose)

career move ang ginawa ng french fries. at least hindi lang siya exclusive sa mga mamahaling restaurant or fast food chains. mas marami ng makakatikim ng kanyang ganda.

at kahit ilako pa siya kalye, wala siyang care. gagawa siya ng paraan para mapagusapan.


in the end, winner pa rin siya. kahit sa puso ng mga bata. NO CHEESE PLEASE!

Wednesday, September 7, 2011

ang istorya

isang kwento na magsisimula sa once upon a time na sa pagdating ng panahon ay muli't muli mong maalala. hindi na ang lahat ng detalye pero alam mo pa ang pangalan ng mga tauhan

hindi ito isang love story. malapit-lapit na sa sa isang drama.

magsisimula ang paglalakbay sa isang kwarto na masikip, may konting liwanag na sumisilip mula sa butas ng dingding. tulad ng isang basket.

tahimik. manipis ang hangin at hindi sapat upang gumalaw kahit ang hibla ng buhok.

madumi. animo'y balot pa din ng lupa mula sa pagkakahukay.

walang ganda ang buhay. tulad din ng iba.

pare-pareho lang kaming mga patatas.

nagkakaiba lang kung anong luto ang kahahantungan.

sa huli, hindi ko alam kung matatawag siyang happy ending dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung anong kahahatungan ko - kung sa mechado, afrida o  ang pinakamalungkot ay makalimutan hanggang mabulok mag-isa sa loob ng basket.